Thursday, June 23, 2011

Dahil Pangarap Kita, Ateneo

Hindi ko sinsasabing hindi ako tinuruan ng Unibersidad ng Pilipinas (sa Maynila) at ng Unibersidad ng La Salle (sa Maynila rin) ng mga kaalamang maihahanay sa pinakamagagaling na unibersidad sa mundo--sa katotohanan, higit pa sa aking inaaasahan ang ibinahagi sa akin ng mga institusyong nabanggit.

Marahil, ang pagnanais na maging bahagi ng kultura ng Ateneo de Manila University (sa Katipunan) ay naguugat sa kagustuhang maging ganap na produkto ng tatlo sa pinakamagagaling na pamantasan sa Pilipinas (alam kong mas madami pang magagaling na unibersidad, andyan pa ang UST, etc. ngunit sadyang magkakabit ang mga pangalan ng tatlong ito).



O siguro nga isinasadya ko ito para naman masabi ko sa mga magiging apo ko na ang lola nila ay nangahas na pasukin ang mga naturang unibersidad minsan sa kanyang kabataan.


Ayoko mang pangunahan ang pagkakataon, ngunit ang pagnanais na makatuntong sa Ateneo ay isang matagal nang dalangin. Nasa huling dalawang term na ako sa aking master's at wala akong makitang ibang pamantasan sa Pilipinas na gustong pasukin pagdating ng PhD kundi ang tahanan ng mga asul ang dugo.=)


Hindi ako balimbing. Naniniwala ako na magiging ganap ang aking paghahanap ng may kalidad na edukasyon kung tatapusin ko ang aking karera bilang magaaral sa Areneo(slang sa Ateneo).


Marami na akong mga naging propesor na nagturo na rin sa Ateneo. Mga propesor na umiikot sa UP, DLSU, UST. Samakatuwid, dala-dala ng mga gurong ito ang magkakatulad na sensibilidad kaya sa aking palagay, hindi nagkakalayo ang pamamaraan nila sa pagtuturo.


Hindi ko naman alam talaga kung anong meron sa hinaharap. Madami pang maaring mangyari. Ang dami ko pang exams na pagdadaanan, reports na tatapusin, at papers na isusulat. Minsan pakiramdam ko unti-unti na akong nauubos--pero ganun talaga. Hindi pwedeng magreklamo kasi pinili ko 'to.

Problema ko lang kasi ang layo ng ADMU. Minsan sinasabi ko na sana ilipat nila ang graduate school nila sa Makati tutal nandun na rin naman sa Rockwell ang Law School nito. Sana magdilang anghel ako.

O sana, may taga administrasyon ng Ateneo na makabasa nito.


Gusto kong maging guro si Ambeth Ocampo. Sa pagkakaalam ko, faculty member siya dun. Kahit na araw-araw niyang isingit si Rizal sa klase, okay lang.=)


Gusto ko ring maranasang magsuot ng t-shirt na may maliit na tatak ng Ateneo. O, di ba ang cute non? Naglalakad ka kung saan--bagsak ang buhok, pantalon, walang make up, pero nakaputing t-shirt na may
"Ateneo Babe".


Kahit papaano maihahanay na ako sa kagandahan nina Bianca Gonzales, Nikki Gil, Rica Peralejo, at Patty Laurel.


Malay mo doon ko na rin makilala ang susunod kong mamahalin. (yun pala yun,e no? hahaha)



Yun nga lang sabi ng mga prof ko mas maganda daw ang facilities at library ng DLSU sa ADMU, baka madisappoint lang daw ako. Hindi rin ata sing kolokoy ng mga mga Taga UP ang mga Atenista kasi nga naman mga pawang anak sila ng mga pamilyang elite.


Wala daw aircon ang mga classroom.

At di ba ang daming nabubundol dun sa roadway nila?





Ah, basta!


Ateneo, pangarap kita! (Animo! LOL)

0 comments: